Sa isang relasyon, may mga pagkakataon talagang mas nagmamahal ang isa sa inyo. Maaaring ikaw o siya ang mas nagmamahal, mas nag-aalala o mas may pakialam sa inyong dalawa. Pero bakit parang maging sino ka man - maging ikaw ‘yong mas nagmamahal o ikaw ‘yong mas minamahal - eh lugi ka pa rin?
Kapag ikaw ang mas nagmamahal, sasabihing martyr ka.
Kapag ikaw ang mas minamahal, sasabihing binabaliwala mo siya.
Kapag pantay naman, sasabihing nasanay na lang kayo sa ka-boringan ng relasyon niyo.
Ang hirap lumugar. Pinapakumplikado pa kasi.
Hindi ba pwedeng mahal mo siya at mahal ka rin niya? Nagmamahalan lang na imbis punahin ang kakulangan o kasobrahan ng isa, eh nilalamangan na lang para patas, may development, may challenge. Wala namang may gustong maging martyr. Wala ring may gustong masabihang binabaliwala niya ang isang tao. At mas lalong walang gustong masabihang boring.
Ay leche. Good night na nga.